May 26, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Sino ba si ‘Inday Badiday’ na binanggit sa Senado?

#BALITAnaw: Sino ba si ‘Inday Badiday’ na binanggit sa Senado?
Photo courtesy: GMA Network

Nagsalitan ng pahayag sina showbiz personality IC Mendoza at Sen. Juan Miguel Zubiri matapos madawit ang pangalan ng yumaong showbiz at insider na si Lourdes Carvajal, na kinilala rin bilang “Inday Badiday,” sa kalagitnaan ng mainit na sesyon sa Senado noong Lunes, Mayo 25. 

Ang nasabing insidente ay nagmula sa naging reaksiyon ni Zubiri sa kontrobersyal na presentasyon ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa umano’y planong Constitutional Assembly o “Con-Ass” hinggil sa term extension ng ilang mga posisyon sa gobyerno at pagtataas umano ng age requirement sa mga tatakbong pangulo ng bansa. 

MAKI-BALITA: Sen. Zubiri umalma kay Sen. Marcos ukol sa cha-cha: 'Inday badiday na ba tayo rito'

Bilang apo ni Inday Badiday, umalma si IC sa naging emosyonal na pahayag ni Zubiri, at sinabing higit pa sa “showbiz chika at intrigues” ang kaniyang lola sa industriya. 

Nakasasakit din daw makitang nakaladkad ang pangalan nito sa mga kaguluhan sa Senado. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga dati at kasalukuyang senador na minsan nang nakulong sa gitna ng kanilang termino

"Reducing her name and legacy to describe the 'circus' happening in the Senate is offensive. Ang tagal nang patay ng lola ko. Please leave her out of your political commentaries and analogies,” ani IC. 

Bilang tugon, humingi ng dispensa si Zubiri sa pamilya ni Inday Badiday at nilinaw niyang nakatuon lamang sa sitwasyon sa Senado ang kaniyang pagkadismaya at hindi sa yumaong media personality. 

"I want to say this from the heart: I respect Inday Badiday, and like many from my generation, lumaki rin po ako na nakikita siya sa TV, bahagi siya ng pop culture natin and she was loved by so many Filipinos,” saad ni Zubiri. 

"My frustration was about the video shown on the Senate floor, and I never meant to disrespect her memory or reduce her legacy to politics,” dagdag pa niya.

Sa hiwalay na Facebook post naman ni IC, taos-puso niyang tinanggap ang public apology ni Zubiri.

"I also get where you’re coming from and your frustration. And yes, I’m sure you meant no malice by it. Kilala talaga siya for showbiz intrigues, but it just felt off seeing her memory associated with fake news peddlers. Kaya that's what caught us by surprise. But all good!" pagtanggap ni IC.

MAKI-BALITA: IC Mendoza, sinita si Sen. Zubiri sa pagbanggit kay Inday Badiday; senador, nag-sorry!

Dahil sa naging mabilis na pagtaas ng mga reaksiyon hinggil sa pangalan ni Inday Badiday, sino nga ba siya at ang kaniyang ambag sa media? 

Si Inday Badiday ay isang TV host at mamamahayag na kinilala sa bansa bilang “Queen of Showbiz Talk Shows” at “Queen of Intrigues.” 

Ayon sa mga ulat, ang pangalang “Inday Badiday” ay nagmula sa ina niyang si Maria Clara Vega, mula sa salitang “Inday” na nangangahulugang babae at “Badiday” na nangangahulugang bading. 

Si Inday Badiday ay nagsimula sa industriya bilang radio host na tumatalakay sa show business, kung saan ang kaniyang mga kaalaman at komentaryo ang kalauna’y nagbukas ng mga oportunidad upang mas makilala siya. 

Bilang kolumnista, siya ay nagsulat sa iba’t ibang showbiz at movie magazines tulad ng “Eyebugs: Bigas Hilig sa Balitang Showbiz,” Modern Romances,” at “Tsismis.” 

Isa naman sa mga kauna-unahan niyang TV show ay ang “Nothing but the Truth,” See-True,” at “Eye to Eye” na nagging template ng industriya sa bansa pagdating sa showbiz talk shows. 

Setyembre 2003 nang maiulat ang pagpanaw ni Inday Badiday dahil sa multiple organ failure bunsod ng dalawang pag-atake ng stroke, sa edad na 59.