May 25, 2026

Home FEATURES Lifehacks

Lumugar ka! Mga puwedeng gawin sa mga bagay na 'patapon'

Lumugar ka! Mga puwedeng gawin sa mga bagay na 'patapon'
Photo courtesy: Pexels

Sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang problema sa basura at polusyon, unti-unti ring sumisikat ang konsepto ng “upcycling” o ang malikhaing pagbibigay ng bagong buhay sa mga bagay na karaniwan nang itinatapon.

Mula sa lumang bote, sirang damit, lata, hanggang sa karton at plastic wrappers — posible pa palang gawing kapaki-pakinabang ang mga ito sa bahay at komunidad.

Ayon sa ulat ng United States Environmental Protection Agency o EPA, ang recycling at reuse ay mahalagang hakbang upang mabawasan ang dami ng basurang napupunta sa landfill at makatulong sa kalikasan. Ipinaliwanag din ng ahensiya na mas mainam na muling gamitin ang isang bagay bago ito tuluyang itapon.

Plastik na bote bilang paso at organizer

Isa sa pinakasikat na DIY projects ngayon ay ang paggamit ng mga lumang plastic bottle bilang paso ng halaman o organizer ng school at office supplies.

Lifehacks

ALAMIN: Tips upang maprotektahan ang sarili mula sa panganib ng ashfall ayon sa DOH

Sa halip na bumili ng mamahaling storage containers, maraming netizens ang gumagamit ng lumang bote para gawing lalagyan ng lapis, make-up brushes, o mini indoor plants.

Batay sa ulat ng World Wide Fund for Nature o WWF Philippines, mahalaga ang tamang segregation at creative recycling upang mabawasan ang tambak na basura sa mga komunidad.

Lumang damit, puwedeng gawing eco bag

Hindi rin kailangang itapon agad ang mga kupas o lumang T-shirt. Sa pamamagitan ng simpleng paggupit at pananahi, maaari itong gawing reusable eco bag, basahan, punda, o kaya’y throw pillow cover.

Ayon sa ilang pag-aaral tungkol sa upcycling, nakatutulong ang creative reuse hindi lamang sa pagbabawas ng basura kundi maging sa pagtitipid ng gastos sa bahay.

Lata at garapon bilang dekorasyon

Patok din ngayon ang pag-convert ng mga lumang lata ng gatas, biscuit cans, at glass jars bilang candle holders, kitchen organizers, o dekorasyon sa bahay.

May ilan ding gumagamit ng mga ito bilang coin bank o mini storage para sa mga gamit sa kusina.

Karton at kahon, puwedeng gawing furniture

Sa social media, marami ring content creators ang gumagawa ng mini shelves, pet house, at organizers gamit lamang ang karton at packaging boxes.

Sa pamamagitan ng tamang diskarte at disenyo, ang dating patapon ay nagiging functional at estetikong gamit sa bahay.

Basurang nagiging kabuhayan

Sa Pilipinas, may ilang social enterprises at environmental groups na gumagamit ng retaso, plastic waste, at iba pang recyclable materials upang gawing bags, wallets, at fashion accessories.

Batay sa ulat ng Vogue, may ilang Filipino designers at negosyo na gumagamit ng upcycled materials bilang alternatibo sa fast fashion at bilang paraan upang makatulong sa kalikasan.

Maliit na hakbang, malaking tulong

Sa huli, ipinapakita ng upcycling na hindi lahat ng “basura” ay wala nang silbi. Minsan, kailangan lamang ng kaunting imahinasyon at tiyaga upang gawing kapaki-pakinabang muli ang mga bagay na akala natin ay patapon na, kagaya na lamang ng mga plastic.

At sa simpleng paraan na ito, hindi lang bahay ang napapakinabangan—nakatutulong pa sa kalikasan.