May 25, 2026

Home FEATURES Trending

SDE ng isang groom, nag-viral dahil sa paggaya nito kay Sen. Bato!

SDE ng isang groom, nag-viral dahil sa paggaya nito kay Sen. Bato!
Photo courtesy: kuyaedds (TikTok screenshot)

Nag-viral sa social media ang Same Day Edit (SDE) ng isang groom matapos nilang gayahin ang pagtakbo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa loob ng Senado upang lumayo sa mga umaarestong National Bureau of Investigation (NBI) agents sa kaniya kamakailan. 

Mapapanood sa TikTok reel ng groom at netizen na si Edrian Sison na tumakbo siya patungong simbahan habang hinahabol ng kaniyang groomsmen. 

Dahil nasa hagdan sila, kuhang-kuha ni Edrian ang pagkakadapa ng Senador. 

“Kakasal na kami ni Cindy, kailangan ko nang pumunta ng simbahan!” saad ni Edrian bilang cue sa takbuhan. 

Maririnig din na may voice over habang nagaganap ang takbuhan. 

Trending

Double gyroscope experiment ng mga estudyanteng Pinoy, naipamalas sa NASA

“Papanik ng second floor, eto ho, dito na ho bumagsak ang Senador. Muli siyang tumayo. Nagbukas siya ng pintuan dahil dito na po ang daan patungo sa session hall ng Senado,” saad sa kanilang parody voice over. 

Ang reel ay kasalukuyan ng pumalo sa 410.4k reactions sa TikTok at karamihan pa sa netizens ay kuhang-kuha ang reference nina Edrian at tila nakikisakay pa sa trip nito. 

#CindyhanMoAngBato”

#CINDYfoundherraySTONE”

“Na gets q agad dahil sa buhok nya ”

“Hahaha Bakit nyo naman nilaro ung SDE nyo ”

“ano nanamang kakalbuhan to”

“HAHAHA ANTINDE MO BOSS!! BEST WISHES SA INYO HAHAHA”

"’Kung di ako magpapakasal, pinipilit nyo ako. Ngayong magpapakasal ako, tatanungin nyo bat ako magpapakasal?’ - Asawa ni Cindy”

“Nandyan din si Mr Worldwide”