Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang super bagyong 'Henry' na mayroong international name na Hinnamnor.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng umabot sa 205 kilometer per hour (kph) ang lakas ng bagyo.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng hindi mag-landfall ang bagyo batay na rin sa nakitang tatahakin nito.

Gayunman, inaasahang paiigtingin nito ang southwest monsoon o habagat at magpapaulan sawestern section ng Luzon mula Biyernes sa susunod na 24 oras.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Posible ring humina ang bagyong 'Gardo' at sasanib sa nabanggit na super typhoon.

Huling namataan ang bagyo sa1,080 kilometers silangan ng dulong Northern Luzon.

Taglay nito ang hanging55 kph malapit sa gitna at bugsong 70 kph.