Nagpasalamat ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa pagiging bukas-palad ng misis ng dating senador at People's Champ Manny Pacquiao, na si Jinkee Pacquiao, matapos umano nitong magbigay ng financial assistance para sa kaniyang kidney dialysis.

Kasalukuyang sumasailalim si Manay Lolit sa kaniyang kidney dialysis, subalit panay pa rin ang showbiz columnist sa pagbibigay-update sa kaniyang kalagayan, sa pamamagitan ng Instagram.

Pinasalamatan niya si Jinkee dahil hindi raw ito nangiming magbigay ng pera para sa kaniyang dialysis, sa pamamagitan daw ni Bernard Cloma.

"Alam mo ba Salve na mamahalin mo talaga si Bernard Cloma dahil kita mo concerned niya sa kaniyang mga friends. Dumalaw siya sa dialysis session ko, at para lang mapasaya ako, tinawagan niya mga closest at sweetest friends niya na sila Jinkee Pacquiao at Alice Eduardo," ani Manay Lolit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Alice Eduardo ay ang ate ng vlogger-socialite na si Small Laude, na siyang founder at CEO ng "Sta Elena Construction and Development Corporation" at ilang beses na ring naparangalan at napabilang sa "People of the Year".

"Talagang grabe ang tiwala at pagmamahal sa kaniya ni Jinkee Pacquiao, dahil sa siguro sinabi ni Bernard ang dialysis ko, talagang sinabi niya kay Bernard na bigyan ako ng red envelope pambayad sa medical expenses ko. Bongga talaga na isang call lang ni Bernard, hayan, bukas na agad ang palad ni Jinkee Pacquiao," dagdag pa ni Lolit.