Ibinahagi ng komedyanteng si "Ate Gay" na nagkita at nagkaayos na sila ni Unkabogable Star Vice Ganda, ayon sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Agosto 26.

May simpleng caption itong "Love love love.." kalakip ang litrato nila ni Meme. Hindi naman nabanggit kung saan at kung paano sila nagkita: sadya bang dinalaw siya ng "It's Showtime" host o biglaan lamang na nagkrus ang mga landas nila.

View this post on Instagram

A post shared by Gil (@ategay08)

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Anyway, ang mahalaga ay mukhang okay na sila. Love, love, love na nga ang sey ni Ate Gay. Marami rin ang natuwa sa kanilang muling pagkikita.

"Sana magsama kayo sa isang show po. @praybeytbenjamin please pa-guest n'yo po sya sa It's Showtime or Everybody Sing."

"All’s well, Ends well..So happy to see 2 legends of Philippines Comedy Bars in One Frame."

"Para kayong magsi-SIRENA SERYE. Haba ng mga hair. Speaking of SIRENA SERYE, sana magkaroon kayo ng SIRENA SERYE na ang cast lahat ng sirena mga bading."

"Good to see na ayos na kayo!"

Matatandaang noong Setyembre 2021 ay naging isyu umano ang paglalabas ng detalye ni Ate Gay kung magkano ang halaga ng naitulong ni Vice Ganda para sa kaniyang pagpapagamot.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/10/ate-gay-nilista-ang-halaga-ng-perang-binigay-sa-kanya-ng-mga-artistang-tumulong-pang-supalpal-sa-basher/">https://balita.net.ph/2021/09/10/ate-gay-nilista-ang-halaga-ng-perang-binigay-sa-kanya-ng-mga-artistang-tumulong-pang-supalpal-sa-basher/

Kinuyog umano ng mga basher si Vice dahil tila "naliitan" sila sa tulong na ibinigay nito kay Ate Gay, gayong milyonaryo na raw naman ito.

Giit ni Vice sa isang episode ng kanilang noontime show, ang pagtulong na ginawa niya sa isang taong nangangailangan ay hindi umano kailangan ng acknowledgement, kundi appreciation lamang. Naniniwala ang madlang pipol na ang pinatutungkulan niya ay si Ate Gay.

Kaagad namang nagpaabot ng tawad si Ate Gay sa pamamagitan ng dating manager at kaibigan ni Vice na si Ogie Diaz.

Si Ogie Diaz umano ang naglapit kay Vice na matulungan si Ate Gay, bilang pareho naman sila ng industriyang pinagmulan, ang pagpapatawa sa comedy bars.

Naappreciate umano ni Vice ang paghingi ng paumanhin ng komedyante, subalit nakiusap ito na sa susunod, maging mas maingat na si Ate Gay sa pagbibitiw niya ng mga salita, pag-isipan ang mga bagay na ipo-post niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/18/vice-ganda-pinaringgan-nga-ba-si-ate-gay/">https://balita.net.ph/2021/09/18/vice-ganda-pinaringgan-nga-ba-si-ate-gay/