Sugatan ang apat katao, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Kibungan, Benguet, nitong Sabado ng tanghali.

Kabilang sa nasugatan sina  Filmore Esong, Sr., 41, Bernadette Esong, 39-anyos, at dalawang menor de edad.Sa police report, papunta sana sa La Trinidad, Benguet ang sasakyan nang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver na si Esong kaya dumiretso ito sa 250 metrong lalim na bangin sa Sitio Abubuyan, Brgy. Poblacion.

Sa police report, papunta sana sa La Trinidad, Benguet ang sasakyan nang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver na si Esong kaya dumiretso ito sa 250 metrong lalim na bangin sa Sitio Abubuyan, Brgy. Poblacion.

Kaagad namang isinugod sa Benguet General Hospital ang apat na nasugatan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nanawagan naman ang pulisya na siguraduhing nasa kondisyon ang sasakyan bago isabak sa lansangan upang maiwasan ang aksidente.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.