May pinagdadaanan nga ba ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid?

Ito ang nilinaw ng Kapamilya couple kasunod ng mga bali-balita kaugnay umano ng kanilang hiwalayan kamakailan.

“Hindi naman pwede mawalan ng basher ‘di ba? ‘Di ba kapag nakikita nila na ang liga-ligaya ninyo, ‘yun yung pupukulin. ‘Eh ‘wag mo na pansinin,” payo ni Ogie sa asawa sa birthday guesting ng OPM hitmaker sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes.

Hindi naman apektado sa intriga si Songbird.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Natawa ako kasi alam kong hindi. We’ve been together for eleven years, magtu-twelve na. Sinasabi ko ‘to sa kaniya palagi [na] mas mahal ko pa siya ngayon kesa noong dati. I feel even closer to him now, especially nung pandemic,” naluluhang saad ng singer.

Laking-pasasalamat din ni Regine na mas lalong na-enjoy niya ang company ng asawa noong kasagsagan ng lockdown, dahilan para mahirapan umano siya noong una nang lumipad sa Amerika si Ogie para sa ilang shows.

“He’s my best friend. I always say this. It’s wonderful to be married provided that you’ve married the right person,” sey ni Regine,

Positibo namang tinignan ni Ogie ang bashers na aniya’y maaaring may pinagdadaanan din kaya ito nagpapakalat ng intriga online.

“‘Di ba may kasabihan, ‘hurt people, hurt people.’ Minsan para hindi kayo maapektuhan ng bashing or magpaapekto sa pambabash, tingnan niyo muna, ‘Ano kayang pinagdadaanan nitong taong to?’” sabi ni Ogie.

Pag-amin ni Regine, sa kaniyang asawa niya rin natutunang dedmahin na lang ang bashers kesa patulan pa ito.

Ngayong Sabado, ipagdiriwang ni Ogie ang kaniyang ika-55 kaarawan.