Hindi lamang ang pagiging kalahok sa "Binibining Pilipinas" o pagkakaroon ng sariling bahay ang natupad ni Herlene "Hipon Girl" Budol kundi pati na rin ang pagiging "Darna" kahit sa isang araw lamang.

Sa pagdiriwang ng kaniyang 23rd birthday, mala-Darna si Herlene ngunit hindi inspired sa trending na Darna version ngayon ni Jane De Leon, kundi sa kaniyang idolong si Marian Rivera. Syempre, isang Kapuso rin si Herlene, na contract artist ng Sparkle GMA Artist Center.

"Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng GMA Network na naging Darna noon," pahayag ni Hipon Girl sa kaniyang Facebook post noong Agosto 24.

"Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan."

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pinasalamatan ni Herlene ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino gayundin ang mga kaibigan at malalapit sa kaniya, na nagtungo sa kaniyang kaarawan.

Mapapanood sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang transpormasyon bilang si Darna.

Sa kaniyang TikTok, makikita namang kasama niyang humataw sa sayaw ang mortal na kaaway ni Darna na si "Valentina".