Nasa 3,126 na panibagong tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Sa pagkakadagdag ng mga bagong nahawaan, umabot na sa 3,867,071 ang kaso ng sakit sa bansa.

Naiulat din ang 43 na namatay sa virus kaya nakapagtala na ang ahensya ng 61,519 na kabuuang binawian ng buhay.

Tumaas naman sa 31,037 ang aktibong kaso nito habang nasa 3,774,515 na ang nakarekober sa sakit.

National

37.84% examinees, pasado sa 2024 Bar Examinations – SC

Sa bagong bilang ng nahawaan, 887 ang naitala sa Metro Manila.

Sinabi pa ng DOH, umabot na sa 72.3 milyon ang bakunado laban sa virus kung saan 17.4 milyon sa naturang bilang ang nakatanggap na ng booster shots.

Panawagan pa ng ahensya, sumunod pa rin sa safety and health protocols upang hindi na lumaganap pa nang husto ng sakit.