August 02, 2026

Home BALITA National

#WalangPasok: Class suspensions sa Lunes, Agosto 3

#WalangPasok: Class suspensions sa Lunes, Agosto 3
Balita File Photo

Ilang mga lugar ang nagdeklara ng suspensyon ng mga klase para sa Lunes, Agosto 3, dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong #LuisPH. 

Ang tropical depression #LuisPH ay unang bagyo ng Agosto at ika-12 naman ngayong 2026 sa Pilipinas.

Nabuo ito mula sa isang low pressure area (LPA) noong Sabado, Agosto 1, 2026.

Tuluyan itong nabuo bilang tropical depression sa silangan ng Infanta, Quezon, gabi ng Sabado, batay sa 11:00 PM update ng PAGASA.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa iba't ibang lugar sa Luzon dahil dito, subalit nagdulot din ito ng mga pag-ulan sa ilang mga lugar. 

National

'Your government will not abandon you!' ₱85 na wage hike, tiniyak ni Sec. Tolentino!

Narito ang ilang mga lugar na nagsuspinde ng mga klase, dahil sa masamang lagay ng panahon:

BULACAN:

Calumpit- no face-to-face classes, all levels, public and private; shift to alternative delivery mode (ADM)
City of San Jose Del Monte- no face-to-face classes, all levels, public and private, shift to alternative learning mode 
Malolos- no face-to-face classes, all levels, public and private; shift to online/learning continuity modalities
Obando- no face-to-face classes, all levels, public and private; shift to online/learning continuity modalities
Santa Maria- no face-to-face classes, all levels, public and private, shift to alternative learning mode

PANGASINAN:

Dagupan City- no face-to-face classes, all levels, public and private; shift to online/learning continuity modalities
Mangatarem- no face-to-face classes, all levels, public and private; shift to online/learning continuity modalities

School-specific announcement:

Samantala, suspendido naman ang face-to-face classes sa Las Piñas National High School at magsasagawa ng asynchronous/modular learning mula Agosto 3 hanggang Agosto 7 upang bigyang-daan ang  mental health break, kaugnay sa naganap na insidente ng pananaksak sa isang Grade 9 student, na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.       

Maki-Balita:   ₱10 sukli, motibo umano sa pananaksak sa Grade 9 student sa Las Pinas!                                                      

                                                        ---

I-refresh lamang ang artikulong para sa updates.