Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa hiwalay na procurement ng lapel at laptop para sa kaguruan sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.
Sa latest Facebook post ng DepEd nitong Linggo, Agosto 2, sinabi nilang inuna lang daw muna ang pamamahagi ng mga lapel ngunit malapit na umanong matapos ang procurement ng teacher laptops.
"Meanwhile," pagpapatuloy ng DepEd, "the voice amplifiers were ready to provide support to nearly 880,000 teachers nationwide. Through competitive bidding, napababa natin ang unit price from the approved 480.76 ceiling to roughly 300-370 (depending on location), with a one-year warranty included.
“Ibig sabihin, makukuha ng ating mga mga guro ang parehong classroom support na ipinangako ni President Ferdinand Marcos, Jr.: Voice amplifiers ngayon, de-kalidad na teacher laptops na ang kasunod,” dugtong pa ng ahensya.
Matatandaang inulan ng batikos ang DepEd dahil mas nauna pa raw ang pamimigay sa mga guro ng lapel kaysa laptop.
Lalo pang kinuyog ang ahensya matapos ang umano'y mandatory na pagbibigay-pasasalamat ng mga guro kina Pangulong Marcos, Jr. at DepEd Sec. Sonny Angara para sa natanggap na voice amplifiers.