Kabilang sa present na sa kaniyang first day of class ang cute na cute na chikiting nina Anne Curtis at Ewan Heussaff na si Dahlia.

Dalawang taong-gulang lang, adorable sa kaniyang school uniform si Dahlia na game na gameding kinunan ng video ng kaniyang mommy.

Makikita namang hands-on pa rin si Anne sa anak na nakasama niya sa bagong milestone nito.

“My little school girl 🥹🌼 All done with her first day & she had so much fun!⭐️🦋💖” mababasa sa Instagram update ni Anne.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Supportive din ang mister ni Anne na si Erwan na nag-iwan ng komento sa IG update ng asawa.

Basahin: Chef Dahlia? Anak ni Anne at Erwan na si Dahlia, cute na cute na naghanda ng sariling ice cream – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Petite ecoliere,” ani Erwan o “Little schoolgirl.”

Ilang kasamahan naman sa showbiz ng ‘di maiwasang manggigil sa kakyutan ni Dahlia.

“Awwe, so cute naman Dahlia!!!” mababasa na komento ng mom-to-be na si Jessy Mendiola.

Nitong Lunes, milyon-milyong estudyante ang nagbabalik sa eskwela para sa mas maraming face-to-face classes.