Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang bodega sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Huwebes ng hapon na ikinadiskubre ng₱220 milyong halaga ng asukal.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang may-ari ng dalawang bodega na si Victor Chua.

Sa paunang imbestigasyon ng BOC, natuklasang wala umanong permit si Chua mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sinabi ng BOC, inamin din sa kanila ni Chua na hino-hoard nito ang asukal. Gayunman, sinabi nito na wala umano siyang nilalabag na batas.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Ayon pa sa BOC, ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Enforcement and Security Service (CIIS-ESS) sa dalawang bodega ni Chua as Kaypian Village, San Jose del Monte City.

Idinagdag din ng ahensya na bahagi ito ng kautusan ni Executive Secretary Vic Rodriguez batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na may layuning madetermina ang aktuwal na sitwasyon ng suplay ng asukal sa bansa.

Posibleng maharap sa kasong hoarding at economic sabotage si Chua, ayon pa sa BOC.