May 22, 2026

Home BALITA Politics

Palasyo, walang alam sa 'timing' ng paglitaw ni Sen. Bato, VP Sara impeachment sa Kamara

Palasyo, walang alam sa 'timing' ng paglitaw ni Sen. Bato, VP Sara impeachment sa Kamara
Photo courtesy: RTVM/YT, MB, via Balita


Tikom ang Malacañang sa umano’y “timing” ng muling pagpapakita ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado at sa kinaharap na impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Kamara sa ikalawang pagkakataon noong Lunes, Mayo 11.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, wala umano silang ideya sa lahat ng mga nabanggit na kaganapan, o kung ano man ang dahilan nito.

“Hindi po ako makakapagbigay ng opinyon patungkol po diyan dahil wala po tayong komunikasyon noong pumunta diyan si Senator Trillanes. So, kung na-timingan po ito, wala po tayong personal na kaalaman,” saad ni Usec. Castro sa press briefing ng PCO nitong Martes, Mayo 12.

Natanong din ang press officer kung sa tingin niya ba na ang muling pagpapakita ni Sen. Bato sa Senado ay tanda ng isang “positive development.”

“I hope he will appear every time there he should be asked to work and to perform his duties,” anang press officer.

Matapos ang paglitaw ni Sen. Bato sa Senate Hall noong Lunes, Mayo 11, matatandaang hindi ito nagpakita, ni anino man niya, mula noong Nobyembre 2025.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!



Kasunod ito ng napaulat na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya para sa kasong crimes against humanity.