May 17, 2026

Home BALITA

Sen. Risa sa bagong liderato: Protektahan ang reputasyon ng Senado!

Sen. Risa sa bagong liderato: Protektahan ang reputasyon ng Senado!
Photo Courtesy: Risa Hontiveros, Senate of the PH (FB)

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa bagong liderato ng Senado na pangalagaan ang dignidad at reputasyon ng Mataas na Kapulungan.

Ito ay matapos ang nangyaring gulo sa Senado sa paglitaw ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na ilang buwang hindi nagparamdam simula noong Nobyembre 2025 dahil may naghihintay na warrant of arrest laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC).

Kaya sa isang Facebook post ni Hontiveros nitong Martes, Mayo 12, sinabi niyang nagiging viral umano ang Senado sa maling rason.

“That affects everything and everyone: majority and minority, Senate employees, and most of all, the work that we do for the Filipino people. Walang panalo sa ganyan,” saad ni Hontiveros.

Kaya panawagan niya, ‘We must protect the dignity and reputation of the Senate. Nawawala ang paggalang at tiwala ng taumbayan sa Senado when our powers and traditions are being misused to avoid accountability.”

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Anang senadora, kinakailangan nilang ibalik ang respeto, maayos na proseso, at pananagutan sa institusyon. 

Kasalukuyan nang bahagi si Hontiveros ng Senate minority bloc matapos magpalit ng liderato noong Lunes, Mayo 11.

Kaugnay na Balita: Palit-liderato sa Senado, walang kinalaman sa impeachment—Cayetano