May 21, 2026

Home BALITA National

Diokno, iginiit na no choice ang Senado litisin impeachment case vs VP Sara!

Diokno, iginiit na no choice ang Senado litisin impeachment case vs VP Sara!
Photo courtesy: File Photo

Mariing nanindigan si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na walang iba raw na magagawa ang Senado kundi litisin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 

Matatandaang nakalikom ng kabuuang 257-25-9 na boto mula sa mga miyembro ng Kamara ang impeachment case laban kay VP Sara. 

Dahilan ito para pormal nang ipasa ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment laban sa Bise Presidente at tumayo bilang impeachment court ang mataas na kapulungan para sa impeachment trial.

Ngunit matatandaan ding matagumpay na pinalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano sa puwesto si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos ang matagumpay na kudeta sa Senado noong ding Lunes.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Gerville Luistro, nanindigang dumaan sa due process impeachment case vs VP Sara!

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ayon naman sa naging pahayag ni Diokno sa panayam sa kaniya ng media nitong Martes, Mayo 12, 2026, sinabi niyang malinaw naman daw ang mga inuutos sa Konstitusyon kahit na magpalit pa man ng liderato sa Senado.

“Kahit sino ang magiging lider ng Senate, klaro naman ang ating Konstitusyon,” pagsisimula niya. 

Ani Diokno, kaya nga raw may tinatawag na “forthwith” para agad na magsagawa ng impeachment trial ang Senado basta naipadala na rito ng Kamara ang articles of impeachment.

“Basta’t napadala ‘yong article of impeachment sa Senado, they must immediately conduct a trial,” pagtitiyak ng mambabatas.

Dagdag pa niya, “Kaya nga ang nakalagay doon ay forthwith.” 

Pagpapatuloy niya, nakikita raw niyang walang ibang pagpipilian pa ang Senado kundi litisin ang impeachment case laban sa Bise Presidente.

“Ang tingin ko diyan, walang choice ang Senate kundi litisin na ang kaso,” pagtatapos ni Diokno. 

Kaugnay nito, nangako naman ang Senate President na si Cayetano nito ring Martes na hindi raw nila pababagalin ang proseso ng impeachment case laban sa Bise Presidente kapag nakarating na ang articles of impeachment sa kanilang kapulungan.

“We won’t delay. We have no reason to,” anang senador.

KAUGNAY NA BALITA: Palit-liderato sa Senado, walang kinalaman sa impeachment—Cayetano

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara matapos ma-impeach sa Kamara: 'Araw-araw ako nagdarasal na maging maayos Pilipinas!'