Napilitan ang Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) na suspindihin ng ng mahigit isang oras ang kanilang operasyon matapos tumalon sa riles ang isang lalaki habang paparating ang isang tren nito sa istasyon nito sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang insidente ay naganap sa Monumento Station (north bound), sa Caloocan City, dakong 4:40 ng madaling araw.

Sinabi ng LRMC, bigla na lang tumalon ang 32-anyos na pasahero sa riles habang paparating ang isang tren ng LRT-1 kaya kaagad na rumesponde ang security team ng kumpanya.

Bilang bahagi naman ng regular protocols, ang operasyon ng LRT-1 ay pansamantala ring nilimitahan mula Baclaran Station hanggang Blumentritt station at pabalik lamang, upang bigyang-daan ang kinakailangang tugon sa naturang kaganapan.

Metro

Akbayan, hinimok ang DOTr na pahabain operating hours ng LRT, MRT

Nang matiyak naman umano na conscious ang pasahero, kaagad na siyang iniahon ng mga tauhan ng LRMC, katuwang ang Caloocan City government, mula sa riles at dinala sa kalapit na Caloocan Hospital para sa kaukulang medical examination at treatment.

Naiulat na nakitaan ng malaking sugat sa ulo at mga gasgas ang pasahero.

“Person is alive and being treated at the hospital already,” paniniguro naman ni LRT-1 spokesperson Jackie Gorospe, sa Viber message sa mga mamamahayag.

Anang LRMC, kaagad ring naibalik ang normal na operasyon ng LRT-1 mula Baclaran Station hanggang Balintawak dakong alas-5:59 ng umaga.