July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

8-anyos na namatay matapos hatawin ng notebook sa Davao City, hindi na ipapa-autopsy!

8-anyos na namatay matapos hatawin ng notebook sa Davao City, hindi na ipapa-autopsy!
Photo courtesy: Unsplash

Tumanggi ang pamilya ng walong taong gulang na batang babae na nasawi matapos umanong masaktan sa loob ng isang pampublikong paaralan sa Davao City, na ipa-autopsy pa ang mga labi ng bata.

KAUGNAY NA BALITA: Grade 3 pupil, patay sa sapak ng mga kaklase sa Davao City!

Ayon sa ina ng biktima, wala silang sinisisi sa nangyaring trahedya dahil pawang mga bata rin ang sangkot sa insidente.

“Sa ngayon, hindi ko pa masasabi ma'am dahil wala naman talaga akong isinisisi dahil mga bata pa naman din kasi ma'am. Wala akong isinisisi kahit kanino, wala,” ani ng ina sa panayam sa media.

Sa paunang imbestigasyon, lumabas na ilang beses umanong hinampas sa ulo ng notebook ang biktima ng kaniyang lalaking kaklase noong Hulyo 17, 2026. 

Probinsya

Binatilyong makikipag-meet up, kinuyog matapos ma-set up!

Sinisiyasat din ng pulisya ang ulat na bukod sa paghampas ay sinipa, sinuntok at siniko rin umano ang bata.

Matapos ang insidente, dinala muna ang bata sa isang manghihilot bago isinugod sa ospital noong Hulyo 21. Kalaunan ay binawian siya ng buhay.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay ay brain failure at traumatic brain injury.

Inatasan naman ng Davao City Police Office (DCPO) ang mga imbestigador na magsagawa ng mas malalim na pagsisiyasat upang matukoy ang buong pangyayari at ang posibleng may pananagutan.

Samantala, personal na nagtungo ang principal ng paaralan sa tahanan ng pamilya ng bata sa Samal Island, Davao del Norte upang ihatid ang mga liham ng pakikiramay mula sa mga kaklase ng biktima. Hindi napigilan ng ina ang mapaiyak habang binabasa ang mga mensahe.

Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang kaligtasan ng mga mag-aaral, sinabi ng school principal na plano nilang maglagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa bawat silid-aralan, bagama't naghahanap pa sila ng pondo para rito.

“Plano ng paaralan na maglagay ng CCTV sa bawat silid-aralan. Mayroon na kaming CCTV sa paligid para kung may mangyari, makikita agad at mairerebyu agad. Kung may CCTV, siguro maiimpormahan ang mga bata na may CCTV, siguro mag-iingat sila dahil alam nilang makikita kung may gagawin sila,” ayon kay school principal Friendee Nunez sa panayam sa kaniya ng media.