July 26, 2026

Home BALITA Metro

'UP Technohub U-Turn Slot,' 'Tandang Sora U-Turn Slot,' sarado hanggang Hulyo 27

'UP Technohub U-Turn Slot,' 'Tandang Sora U-Turn Slot,' sarado hanggang Hulyo 27
Photo courtesy: Santi San Juan (MB)

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantala nilang isinara ang UP Technohub U-Turn Slot at Tandang Sora U-Turn Slot sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, mula ngayong Linggo, Hulyo 26 hanggang sa Lunes, Hulyo 27. 

Ang pansamantalang pagsasara na ito ng mga nasabing U-Turn slots ay direktiba ng Quezon City Police District (QCPD) bilang paghahanda sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27. 

Samantala, narito ang listahan ng mga alternatibong ruta sa mismong araw ng SONA:

NORTHBOUND (QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE - FAIRVIEW) 

- North Avenue

Metro

Road closures at rerouting sa Maynila para sa SONA

- Mindanao Avenue

- Sauyo Road o Quirino Highway

- Commonwealth Avenue 

SOUTHBOUND (FAIRVIEW - QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE)

- Commonwealth Avenue

- Sauyo Road o Quirino Highway

- Mindanao Avenue

- North Avenue

Para sa mga truck: 

- Katipunan/C-5

- C-5/Luzon

- Congressional Avenue

Para sa light vehicles:

- Mula sa C-5, ang mga sasakyan ang inaabisong kumaliwa sa Magiting

- Mula sa Magiting, kumanan sa Maginhawa

- Mula sa Maginhawa, kumaliwa sa Mayaman patungo sa Kalayaan papunta sa destinasyon

Tiniyak ng MMDA na magpapadala sila ng 1,481 personnel upang bantayan ang traffic sa mga distrito.