July 26, 2026

Home BALITA Politics

Rep. Ace Barbers, binanatan magkapatid na Cayetano

Rep. Ace Barbers, binanatan magkapatid na Cayetano
Photo Courtesy: via MB

Bumwelta si House prosecution spokesperson Rep. Ace Barbers sa magkapatid na Senator-Judge na sina Alan Peter at Pia Cayetano kaugnay sa malisyosong spiliced video na ibinahagi ng huli.

Matatandaang sa naturang video na ni-post ni Sen. Pia, mapapanood ang naging argumento nila ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno kasama si Sen. Alan. Tungkol ito sa paghiling ng bank records ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Kaya sa video statement na inilabas ni Rep. Ace noong Sabado, Hulyo 25, pinagsabihan niya ang magkapatid  na ipabatid sa taumbayan ang katotohanan sa likod ng nasabing spliced video.

“Nandoon po naman sila no’ng araw na 'yon, noong habang nagkakaroon ng oral arguments. Alam po nila at dinig na dinig nila kung ano 'yong katotohanan na taliwas o hindi kapareha ng video na kumakalat sa ngayon,” saad ni Rep. Ace.

Ayon sa kongresista, ginagalang daw nila na ang bawat miyembro ng Senate impeachment court ay may kaniya-kaniyang pananaw sa usapin ng impeachment.”

Politics

'Di kami naniniwala sa mga lord!' Sen. Robin, pinatutsadahan si Lourd de Veyra?

“However, we also hope that discussions regarding the impeachment proceedings are presented in a manner that gives the Filipino people the complete and accurate context,” dugtong pa ni Rep. Ace.

Umaasa siyang sa ngalan ng pagiging patas, itatama nina Sen. Alan at Sen Pia ang pagkakamali sa naturang video. 

Samantala, naglabas naman na ng pahayag si Rep. Chel upang linawin anng kabuang konteksto ng kaniyang sinabi sa oral arguments niya laban sa mga Cayetano.

Aniya, hindi umano "nagbabakasakali" ang House prosecution panel sa paghiling ng mga dokumento dahil may sapat silang batayan mula sa mga rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“Hindi tayo nagbabakasakali lang. May probable cause o sapat na dahilan na nakita sa mga record ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa bilyun-bilyong dumaan sa accounts ng VP at kaniyang asawa,” paliwanag ng kongresista.

Ipinaliwanag din niya na ang layunin ng paghiling sa bank records ay upang mapatunayan kung tumutugma ang mga ito sa nilalaman ng AMLC reports.

Maki-Balita: Rep. Diokno, kumuda sa ‘spliced video’ na ibinala sa kaniya ni Sen. Pia!