Naging usap-usapan ang viral video ng ilang kababaihang sakay ng pumpboat sa Surigao City, na magpapakuha sana ng group selfie, subalit hindi na natuloy dahil biglang tumaob ang bangkang kanilang sinasakyan.

Mula sa Facebook page na "Viral Pinas".

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Ang kababaihang ito ay galing umano sa isang religious fellowship, ayon sa nag-upload ng video na si Myrah Murillo. Aniya, marahil ay nahipan ng masamang hangin at nakarating sa evil spirit ang kanilang sinabing "Die to selfie!" May kapangyarihan ang dila kaya dapat ingatan ang mga lumalabas sa bibig.

"The message from our fellowship is really good indeed from its title 'Die to Selfie' but the theme became a horror when evil starts to move, they heard it in a negative way, our tongues really has the power," aniya.

"The scriptures said in Proverbs 18:21: The tongue can bring death or life; those who love to talk will reap the consequences. Then I realized that the theme has two meanings, positive & negative. So Let us be extra careful with our words, let it be that it pleases GOD not the evil," pahayag pa niya.

Wala namang dapat ipag-alala ang kanilang mga mahal sa buhay dahil ligtas silang lahat at walang nasaktan. Sa pagkakataong ito ay ipinagpasalamat niya sa Diyos ang kanilang kaligtasan.