Niyanig ng 5.6-magnitude na lindol ang Davao del Sur nitong Lunes ng hapon.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 11 kilometro kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur.
Nasa anim na kilometrong lalim ang nilikha ng pagyanig na dulot ng tectonic.
Inaasahan na ng Phivolcs ang pinsala at aftershocks nito.
Nitong Sabado ng hapon, tinamaan ng magnitude 5.9 na lindol ang Datu Blah T. Sinsuat sa Maguindanao, ayon sa Phivolcs.