Magsasagawa pa muna ng dry run ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa bagong number coding scheme simula Agosto 15 hanggang 17.

Sinabi ni MMDA head for special operations Edison Nebrija, ipatutupad ang test run ng bagong window hour simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga sa loob ng tatlong araw.

Ang mga mahuhuli aniya sa nasabing dry run ay hindi bibigyan ng ticket o pagmumultahin.

Gayunman, tiniyak nito na sa ipatutupad na ang nasabing sistema sa Agosto 18 upang mahigpitan ang paglabas sa lansangan ng mga pribadong sasakyan kada linggo.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Ipaiiral din aniya ang number coding simula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa weekdays.

Ayon pa sa opisyal, exempted sa sistema ang mga public utility vehicle, transport network vehicle services, motorsiklo, garbage truck, fuel truck, marked government vehicle, fire truck, ambulansya, marked media vehicles, at mga sasakyang nagdadala ng essential or perishable goods.