Napa-react ang dating newscaster at TV host na si Jay Sonza sa balita ng matagumpay na partnership deal ng ABS-CBN at TV5 kamakailan lamang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/ang-kapatid-ay-kapamilya-partnership-ng-abs-cbn-at-tv5-natuloy-na-marcoleta-umalma/">https://balita.net.ph/2022/08/11/ang-kapatid-ay-kapamilya-partnership-ng-abs-cbn-at-tv5-natuloy-na-marcoleta-umalma/

Ibinahagi ni Sonza, na dating nagtrabaho sa Kapamilya Network, ang pubmat ng naging pahayag ni Commissioner Gamaliel Cordoba ng National Telecommunications Commission o NTC sa panayam ng SMNI tungkol sa naganap na partnership deal.

"Hindi po sila (ABS-CBN) makakuha ng sariling prangkisa, so ang ginagawa po nila is sasakay po sila dito sa prangkisa ng TV5. Pero hanggang ngayon po ay bitbit po nila ang kanilang mga violations kahit dati pa po iyon."

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

"Dapat po ang franchise grantee ay hindi po makikipag-enter ng commercial arrangement sa isang entity may mga obligasyon po sa national and local government," dagdag pa nito.

Komento naman ni Sonza, "Ayon na! Ayan na! Sabi ko nga ba. Kapag Kabit, Tiyak may sabit."

Sa isa pang Facebook post, tinawag ni Sonza ang atensiyon ng Kongreso tungkol dito.

"Your Honors."

"House of Representatives."

"Congress of the Philippines."

“Puwede na palang paikutan ang Kongreso by going into ay simple arrangement/deal of 65%-35% by and between TV5 (Media Quest) at defunct ABS-CBN Broadcasting?"

“Puwede ba iyong ganoon lang? Bigay ka lang ng almost ₱3B sa Singko at bigyan mo lang ng 35% sa kita iyong pinasukan mong network, okay ka na? Hindi na kailangan pa ang Congressional franchise at talikuran na iyong lahat ng atraso mo sa gobyerno sa nakaraan?"

“Walang kaproblema-problema sa NTC para sa frequency, dahil andiyan na siya? May direct to home TV na, may access pa sa giga play?"

“Ganoon lang ba kasimple iyon, ha?"

“Hindi ba parang ginagawa kayong gago na, tanga pa ng Panginoong Lopez at Pangilinan mga Sir at Madam ng Kongreso?"

Ngunit kung babalik ang naging Congress hearing kaugnay ng ABS-CBN franchise renewal noong 2020, nilinaw mismo ng mga inimbitahan mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commissions (SEC) na wala umanong paglabang ang network sa pagbabayad ng buwis.

“ABS-CBN Corporation ay regularly paying taxes for the past years. Na-check naman po na ‘yung dapat nilang i-withhold at na-remit naman nila sa gobyerno," ayon kay BIR Asst. Comm. Manuel Mapoy.

Wala ring paglabag na nailatag ang SEC sa Kapamilya Network.

“At this time, we are not aware of any violation or any ongoing complaint or investigation involving ABS-CBN. ABS-CBN is a listed company that is subject to the reportorial requirement,” pahayag ni SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong.

Pagdating naman sa kinukuwestyong dual citizenship ni Gabby Lopez, hindi umano ito dahilan upang hindi siya payagang magkaroon ng posisyon o magmay-ari ng isang media company, ayon mismo sa kinatawan ng Department of Justice o DOJ.

Samantala, isa pa sa mga umalma sa partnership deal na ito, ay si Congressman Rodante Marcoleta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/marcoleta-pinaiimbestigahan-ang-abs-cbn-tv5-joint-venture/">https://balita.net.ph/2022/08/11/marcoleta-pinaiimbestigahan-ang-abs-cbn-tv5-joint-venture/