Nakiramay si “2NE1” member Sandara Park para sa lahat ng naapektuhan at nabiktima ng naging malakas na lindol sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Matatandaang ginulantang ng may lakas na magnitude 7.8 na lindol ang maraming lokal na residente at estudyante partikular sa Maasim, Sarangani, Soccsksargen, noong Lunes.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang mapaminsalang lindol sa naturang lugar bandang 7:37 ng umaga noon at naramdaman ito maging sa iba pang mga karatig-lugar o bayan.
KAUGNAY NA BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani
Sa naging pahayag naman ni Sandara sa kaniyang “X” account noon ding Lunes, sinabi niyang lubos daw siyang nakikisimpatya para sa lahat ng naapektuhan ng naturang sakuna.
“My heart is with everyone affected by the earthquake in Mindanao,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa “X” post ni Sandara.
Diin ni Sandara, may espesyal daw na puwang sa kaniyang puso ang Mindanao at naaalala pa rin daw niya ang pagmamahal ng mga taong sumusuporta sa kaniya na mga nakatira sa nasabing lugar.
“Mindanao holds a special place in my heart, and I still remember the love and warmth I received there,” aniya.
Ani Sandara, ipinanalangin daw siya ang kaligtasan, kalakasan, at muling pagbangon ng lahat ng mga lokal na residenteng naapektuhan ng lindol.
“I’m praying for everyone’s safety, strength, and recovery,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, aabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa mapaminsalang lindol sa Mindanao batay sa talaga ng Office of Civil Defense (OCD).
KAUGNAY NA BALITA: GenSan, nasa ilalim na ng state of calamity