Hindi umano makapaniwala ang batikang aktres na si Cherry Pie Picache na wala nang puting sibuyas sa mga pamilihang kaniyang napuntahan, at kung mayroon man, nagkakahalaga itong ₱500 per kilo.

"Walang white onions sa kahit saan😧 If meron 500/kl?!? This is a first," saad sa tweet ng aktres noong Agosto 11.

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

https://twitter.com/Yescppicache/status/1557574506801405952

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"No white onions at any SM or Robinson Supermarket. Puro red onions. I can live without onions kung 500/k. I'm not crazy to pay that much."

"Hindi mo pa nahihiwa naiiyak ka na."

"This morning sa market sinabihan ako ng vendor na bumili na ako ng red onions kasi next tataas na."

"Shortage po kasi."

Matatandaang napabalitang triple na ang itinaas ng presyo ng puting sibuyas sa ilang pamilihan dahil umano sa kakulangan ng suplay.