Halos umabot sa ₱7 milyon ang pinsala ng smog o vog na isang uri ng polusyong mula sa sulfur dioxide na ibinuga ng Taal Volcano kamakailan, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes.

Sinabi ni Batangas Provincial agriculturist Rodrigo Bautista ng DA, umabot na sa ₱6.5 milyon ang napinsala sa taniman habang nasa ₱5.7 milyon naman sa palaisdaan sa naturang lugar.

Kabilang aniya sa nasira ang mga palayan sa Laurel at Lian, maisan sa Tanauan, at taniman ng cassava o kamoteng-kahoy sa San Nicolas.

Bukod pa aniya sa insidente ng fish kill o pagkamatay ng mga isda sa Agoncillo at Laurel dahil sa kakulangan ng oxygen.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

“‘Yung mga damages na iyan ay hindi naman 100 percent ang naaapektuhan. So, doon sa rehabilitation ng mga crops, nagpo-provide tayo ilang mga… ‘yung puwede pang i-recover so inaaral natin para mabigyan pa rin sila ng ayuda ng mga additional fertilizers and agricultural inputs na puwedeng magamit sa recovery,” ayon kay Bautista.

Nauna nang inanunsyo niresident volcanologistPaolo Reniva, ng Taal Volcano Observatory, ang ibinugang smog ng bulkan ay umabot hanggang sa Tagaytay.

Noong 2021, nagbuga rin ng smog ang bulkani at ang pinakahuli ay nitong Agosto 6 na ikinaapekto ng ilang lugar sa Batangas.