Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit ₱1.5B ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' noong nakaraang taon.

Sinabi ng DBM, ang naturang emergency shelter assistance ay aabot sa ₱1,580,123,000.00.

Nilinaw ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang pondo ay idiniretso sa Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) na naglaan ng tig-₱10,000 sa bawat pamilya sa Region VI, VIII, X, at XIII.

“Bawat isa sa atin ay itinuturing ang tahanan bilang isang safe haven o ligtas na lugar. Ang pagkakaroon ng isang maayos na tahanan ay dalangin ng bawat Pilipino. Kaya kaisa po ang DBM sa pagtulong na masigurong bawat tahanang nasira ng bagyong Odette ay maiayos upang komportableng masilungan ng ating mga kababayan kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay,” ayon kay Pangandaman.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

“Bagaman tumama ang bagyong Odette noong nakaraang taon, hindi po nakalimutan ng inyong pamahalaan ang mga nasalanta. Patuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga nangangailangan para sa kanilang pagbangon muli,” aniya.

Matatandaang napinsala ang mga lugar sa Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, at XIII nang tamaan ng naturang bagyo noong Disyembre 2021.