Ibinida ni 'Badjao Girl' at dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola na may baby na sila ng kaniyang boyfriend, batay sa kaniyang latest Instagram posts.

Ipinakita ni Rita ang kaniyang kalong na sanggol sa IG. Sa isa pang post, kasama niya ang non-showbiz boyfriend na ama ng kaniyang anak.

"Mahal ko kayo," caption ni Rita.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

"Sa mga na-disappoint or marami pang sasabihin sa akin buhay ko iyong tinatahak ko saka marami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si baby Kia sa susunod na mga vlog namin," ani Rita.

Matatandaang sinita na siya ng mga netizen sa kaniyang TikTok video noon na buntis raw siya, noong Hunyo.

"Sey naman ni Rita, "Hahaha opo buntis ako sabi ng hula mo."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/opo-buntis-ako-sabi-ng-hula-mo-badjao-girl-rita-gaviola-inintrigang-buntis/">https://balita.net.ph/2022/06/09/opo-buntis-ako-sabi-ng-hula-mo-badjao-girl-rita-gaviola-inintrigang-buntis/

Maraming nag-akalang pabirong pagtanggi ni Rita ang naturang sagot, kaya marami ang nawindang ngayon na totoo pala ang mga tsika.