Hawak na ng pulisya si datingvice presidential candidate Walden Bello matapos arestuhin nitong Lunes kaugnay ng kinakaharap na kasong cyber libel.
Ito ang kinumpirmang kanyang staff na si Leomar Doctolero at sinabi na ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni dating Davao City information officer Jefry Tupas.
Bago ang pag-aresto kay Bello sa kanyang bahay sa Quezon City dakong 4:00 ng hapon, kinasuhan muna sa korte si Bello noong Hunyo 9 dahil sa paglabag sa Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Dinala muna si Bello sa Quezon City Police District-Station 8 at pinaplano na ng kampo nito na magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Binanggit din ng staff na kaagad na sumugod sa presinto si dating presidential candidate Leody de Guzman matapos mabalitaan ang inaresto si Bello.
Si Bello ay naging running mate ni De Guzman noong May 9 national elections.