July 26, 2026

Home BALITA

BI, itinangging sila ang nagbalitang nagbalak umalis ng bansa si Rep. Romualdez

BI, itinangging sila ang nagbalitang nagbalak umalis ng bansa si Rep. Romualdez
Photo courtesy: via MB

Mariing itinanggi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang alegasyong nagpakalat ang ahensya ng umano'y "fake news" kaugnay sa ulat na may planong umalis ng bansa si House Speaker Martin Romualdez.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Viado na nananatiling nakatuon ang kanilang ahensya sa pagbibigay ng tama, tapat, at responsableng impormasyon sa publiko habang iginagalang ang due process at mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon.

“The Bureau respectfully rejects the allegation that it disseminated false or fabricated information. We remain committed to providing honest, accurate, and responsible public information while respecting due process and the constitutional rights of all persons,” anang komisyoner sa knaiyang pahayag nitong Sabado, Hulyo 25.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang BI kaugnay ng pinagmulan ng alegasyon, ngunit iginiit nitong nananatili itong nakatali sa mandato nitong maglabas lamang ng beripikado at makatotohanang impormasyon.

Kasunod ito ng mga kumalat na pahayag na inuugnay ang Bureau of Immigration sa umano'y ulat tungkol sa planong pag-alis ng bansa ni Romualdez, na mariing pinabulaanan ng ahensya.

National

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya

Matatandaang noong Biyernes, Hulyo 24, nang igiit ng kampo ng dating Speaker na ang mga pahayag na inilabas ng BI ay nagdulot ng maling pananaw na sinusubukan niyang takasan ang proseso ng batas.

“By their plain import, the confirmation attributed to the Bureau create the unmistakable public impression that Rep. Romualdez attempted to flee the country to evade the jurisdiction of Sandiganbayan and the pending criminal investigation against him. This is a grave accusation with no basis in fact, and it directly undermines Rep. Romualdez’s constitutional right to be presumed innocent until proven guilty,” anila pa.

Sinabi rin sa liham na ang naturang mga pahayag ay nakasira sa reputasyon ng mambabatas at maaaring makaapekto sa patas na pagdinig ng kanyang kaso.

“The Bureau’s statement has caused—and continues to cause—serious and irreparable injury to Rep. Romualdez’s reputation, standing, and ability to receive a fair and impartial adjudication of his case,” saad ng kampo ni Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: 'This is a grave accusation!' Romualdez, pumalag sa umano'y plano niyang paglabas ng bansa