Umani ng mga samu’t saring mga reaksiyon mula sa netizens ang larawang ibinahagi ng isang konsehal mula Bustos, Bulacan na si Konsehal Tangkol Perez.
Ang naturang larawan kasi na kaniyang ipinasakil sa opisyal niyang Facebook account noong Hulyo 23 ay tila may pagkakahawig sa mga nag-viral na larawan ng ilang motorcycle taxi rider na naglalagay ng mensahe sa kanilang helmet, hinggil sa kanilang kaligtasan.
MAKI-BALITA: Rider, nagdikit ng pakiusap sa helmet: Buntis po asawa ko, wag n'yo po ako sanang saktan!
"Wag nyo po akong sasaktan, parang awa nyo na. Mawawalan ng poging konsehal ang bayan ng Bustos," saad ng larawang ibinahagi ni Perez.
Hirit pa ng konsehal sa caption, "Pakiusap po para sa lahat lalo na kay baby."
Subalit, ang dapat sana’t “pampa-goodvibes” na intensyon ng konsehal, ay tila hindi nagustuhan ng ilang netizens sa comment section.
"Punye is ta ka, karmahin ka sana."
"Tiningnan ko profile. Di naman pogi hahahah. Insensitive."
"Wala Kang kwentang konsehal bobo bakit Kapa nanalo?"
"Eto na yung pogi sa bayan nyo?"
"Kung ikaw ba yung namatayan tas gagawin namin yan matutuwa ka po?"
"Mawawalan ng poging konsehal?" Saan banda?"
"Sana all kamote mag isip."
"Very disrespectful sa mga victims. Sobrang insensitive"
"yack, konsehal but kinda immature? you're not just a politician yk?"
Matatandaang minsan nang nag-viral ang larawang pinagbasehan ng naturang konsehal matapos ang magkakasunod na krimen kung saan binibiktima ang ilang motorcycle taxi riders ng mga masasamang-loob na nagpapanggap na kanilang pasahero.
Kamakailan lang nang isang rider ang naispatan ng kanilang pasahero na may maliit na mensaheng nakadikit sa kanilang helmet na nagsasaad ng, “‘Wag n’yo akong patayin. May maliit pa akong anak. Gusto lang namin mahatid kayo ng safe.”
KAUGNAY NA BALITA: ‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan