July 23, 2026

Home FEATURES Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan
Photo courtesy: Mae Anne Manipud Lim (FB)

Naantig ang netizens sa liham ng isang motorcycle taxi driver na idinikit niya sa likod ng kaniyang helmet matapos ang karumaldumal na pagpatay sa isa pang rider sa Caloocan noong madaling araw ng Martes, Hulyo 14. 

MAKI-BALITA: Solo parent na TNVS rider, pinatay at pinagnakawan pa ng motorsiklo ng pasahero!

Sa ngayo’y viral video ng content creator na si Mae Anne Manipud Lim, nakuhanan niya ang isang rider na may pakiusap sa likod ng kaniyang helmet na nagsasabing, “Wag n’yo akong patayin. May maliit pa akong anak. Gusto lang namin mahatid kayo ng safe.” 

Sa caption ni Mae Anne, ibinahagi niyang lubos ang kaniyang pagkadismaya dahil kinakailangan pang makiusap ng mga drayber upang maprotektahan ang kanilang kaligtasan sa daan. 

“I was driving today when I saw this. It’s so unfair that our riders NEED to put this kind of note on their helmet JUST TO REMIND PEOPLE NOT TO HURT OR K* THEM,” ani Mae Anne. 

Trending

ALAMIN: Rerouting at road closures kasunod ng kilos-protesta sa Maynila sa Hulyo 19

Dagdag pa niya, “ANG HIRAP PARA SA MGA TAONG LUMALABAN NG PATAS!!!!”

Sa comment section, ibinahagi ng isa pang netizen na may nakita rin siyang rider sa Las Piñas na may kaparehang pakiusap sa kaniyang helmet, at aniya, lubos siyang nalulungkot na makita ito. 

“Saw one today in Las Piñas. Rider had a female passenger and there was a note on his helmet too. Di ko nabasa ng maayos pero alam ko ano yun nakasulat. So sad this is what we have to put up with,” saad ng netizen. 

Ang ilan naman, nagpahayag ng kanilang karagdagang pakikisimpatya sa iba pang riders sa buong bansa na naghahanap buhay din, habang ang ilan, nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pamamalakad ng pamahalaan. 

“Sana safety yung mga mga driver hindi na kailangan maglagay nang note para makauwi sa pamilya.”

“Tapos sasabhin ng PNP mas safe na daw ang Pilipinas. Ganito pa ang ligtas? Hindi makakaramdam ng takot ang mga rider kung alam nila at nararamdaman nilang ligtas sila.”

“Same sentiments its really a heartbreaking for those who fight fairly just to provide foods and money to their family, despite all the chaos they are facing everydaynakaka trauma talaga yung nangyari dun sa rider”

“Safety of people should be implemented and protected by the government not the other way around.while the PNP survey now "Philippines is safest country now compared before"”