Idineklara na sa dalawang lugar sa Occidental Mindoro ang state of calamity bunsod na rin ng pagdami ng kaso ng dengue.
kabilang sa isinailalim sa state of calamity ang San Jose at Sablayan, ayon kay Occidental Mindoro Provincial Health officer, Dr. Maria Teresa Tan.
Aniya, ang hakbang ng Sangguniang Panlalawigan ay tugon sa rekomendasyon ngProvincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)na nakapansinsa lumalalang kaso ng sakit sa mga naturang lugar.
Paliwanag naman ni Tan, umabot na sa 1,810 ang dengue cases sa lugar at siyam na ang naiulat na binawian ng buhay.
Iniutos na rin ng provincial government na gamitin ang calamity fund nito sa kanilang kampanya upang masugpo ang paglaganap ng sakit.
"Puwede nang mag-procure ang mga munisipyo once na-declare ng province (ang state of calamity),kanya-kanyana silang purchase ng dengue test kits, misting machines, reagents na ginagamit sa misting machines, 'yung reagents para magawa ng complete blood count, platelets count kasi according to one of ourmed-techs'yungallocationniya for one quarter naubos na in 1 ½ months sa dami ng nagpa-patest," sabi ni Tan sa isang panayam.
Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) na dumoble ang bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa buong bansa matapos maitala sa82,597 ang kaso nito mula Enero 1 hanggang Hulyo 26, mas mataaskumpara sa kaparehong panahon noong 2021.