May payo ang Kapuso actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa sa mga kagaya niyang single.

"Sa mga single… Don’t rush things. Darating din ang taong iiwanan ka ulit," ani Myrtle sa kaniyang Facebook post noong Agosto 3.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, napa-react naman ang mga netizen sa kaniyang pahayag. Kung kasingganda na raw ni Myrtle at iiwanan pa ng jowa, parang mas nanaisin na lang daw na maging single forever!

"Lahat darating sa tamang panahon. Focus lang po sa dreams natin sa future."

"Wow Myrtle, hindi ko zinoom photos mo promise hahaha. Pero ganoon ba talaga? It means walang permanente sa mundong ito?"

"Parang gusto ko na lang maging forever single dahil sa sinabi ni Myrtle hahaha."

"Wala naman kasing permanente sa mundong ito hahaha. Puwede kang iwanan ng lahat, as in lahat."

"Being single is the best."

Bukod sa kaniyang pahayag ay napansin din ng mga netizen ang kaniyang mga litrato na talaga namang nakapagpasilab sa damdamin ng mga netizen, dahil sa kaniyang mga swimsuit photos.

Isang pahayagan pa ang pinasalamatan ni Myrtle dahil sa makatawag-pansin nitong headline tungkol sa kaniya. Nagkandarapa raw ang mga "yakman" dahil sa kaniyang paayuda.