ATIMONAN, Quezon -- Patay ang 22-anyos na guro nang makuryente pagkatapos nitong maligo nitong Biyernes ng gabi, Agosto 5 sa Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Sa ulat ng Atimonan PNP, kinilala ang biktima na si Maria Jane Claire Andaya.

Base sa imbestigasyon, bago maligo ang biktima nagkabit ito ng extension wire sa banyo. Pagkatapos umano maligo ay aalisin ang pagkakasaksak ng ilaw subalit nakuryente ito at dahil sa lakas ng kuryente, bumagsak ito sa sementadong sahig.

Nasaksihan ito ng kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Janeza, na agad humingi ng tulong. Naisugod sa Doña Marta Memorial Hospital ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival. 

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagtamo ng internal third-degree burn si Maria Jane.