Isang linggo matapos hawaan ng Covid-19, nakapag-update sa kaniyang fans si “Fearless Diva” Jona Viray para ipaalala ang nananatiling banta pa rin ng nakahahawang sakit.

Sa kaniyang social media post, Biyernes ng gabi, ibinahagi ng singer ang dahilan ng hindi niya pagiging aktibo online.

“Hi guys ! Finally have the physical and mental strength to post an update. I havent been participating or interacting online because I've been feeling sick and weak all week and unfortunately, I tested positive for Covid (tama nga sabi ng isang doctor na it’s just a matter of time para tamaan ng Covid),” mababasa sa update ni Jona.

Dagdag niya, nahawaan din ng virus ang kaniyang long-time manager na si Arlene Meyer.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Basahin: Jona Viray, freelancer na, inaming inimbitahan ng isang Kapuso show kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hiniling naman ng singer ang dasal para sa kanilang agad na paggaling.

Muling paalala ni Jona, “Pls pls stay vigilant, take immunity supplements and be extra careful when u go out because the virus is still rampant!”

Ilang mga kaibigan sa showbiz naman ang nagpaabot ng well-wishes sa singer.

“Miss you, Ate! Get well soon!” komento ni Darren Espanto.

“Pagaling kayo ni ate A!!!!! @jona ❤️🙏🏻” saad ni Kakai Bautista.

Nagpaabot din ng mensahe at dasal sina Ogie Alcasid, Katrina Velarde, Zendee, Jessa Zaragosa bukod sa iba pa.