Nakitaan ng “very high” na coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate ang limang lalawigan sa Visayas.

Ito ang isinapubliko ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Lunes at sinabing kabilang sa mga nasabing lugar ang Aklan, Antique, Bohol, Capiz at Negros Oriental.

Ang positivity rate ayporsyentong mga taongnagpopositibosa sakit, mula sa kabuuang bilang mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Ibinahagi ni OCTA Research member Dr. Guido David, sa kanyang Twitter account nitong Lunes, ang one-week positivity rate sa Covid-19 ay mas mataas sa 20% na naitala mula Hulyo 23 hanggang Hulyo 30.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Ang Capiz aniya ay nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao, hanggang noong Sabado, na nasa 51.2%, o biglaang pagtaas mula sa 30.6% lamang noong Hulyo 23.

Sinundan ito ng Aklan na may 36.9% positivity rate, Antique na may 28.7%, Bohol na may 28.2%, at Negros Oriental na may 27.6%.

Sa Luzon,nakapagtala rin ng “very high” positivity rate hanggang Hulyo 29 angAlbay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Sa kabila naman nito, nilinaw naman ni David na ang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ay hindi nangangahulugan na tumataas rin ang hospitalization rate sa bansa.