Nakalabas na ng Pilipinas ang bagyong 'Ester' at pinupuntirya na nito ang Japan, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Hulyo 31.

Sinabi ng PAGASA, lumayo na ng bansa ang bagyo nitong Linggo ng madaling araw at tinatahak nito ang Ryukyu Islands sa Japan.

Namataan pa rin ang bagyo sa layong 835 kilometro sa silangan hilagang silangan ng dulong northern Luzon nitong Linggo.

Taglay pa rin nito ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong 55 kilometro kada oras habang kumikilos pa-hilaga sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"In the next 24 hours, the southwest monsoon enhanced by Tropical Depression “Ester" and Tropical Storm “SONGDA” (outside the Philippine area of responsibility) will bring monsoon rains over several provinces in the western sections of Central and Southern Luzon," banggit pa ng PAGASA.

Nitong Biyernes, pumasok sa bansa ang naturang sama ng panahon na nagpaulan at nagpabaha sa ilang lugar sa Pilipinas.