Tumaas na rin ng presyo ng ilang gulay naibinabagsaksa Metro Manila mula sa ilang lugar sa Cordillera dahil na rin sa malakas na lindol nitong Miyerkules.

Idinahilan ng mga biyahero, mula apat hanggang limang oras ang pagkakaantalang biyahe ng produkto dahil na rin naapektuhan ng landslide ang ilang kalsada sa rehiyon.

Kabilang sa nagtaas ng presyo ang repolyo at Pechay Baguio na₱40 na ngayon ang kada kilo na dati ay₱30 lang.

Nasa ₱50 naman ngayon ang kada kilo ng patatasna dati ay₱40.Nagtaas din ang presyo ng carrots.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na gumagawa na sila ng paraan upang matulungan ang mga magsasaka sa rehiyon.

Sinabi ng DA, binibili na nila ang produkto ng mga ito na dinadala naman ng ahensya sa Abra upang maipamahagi sa mga naapektuhan ng lindol.