Plano ngayon ni 2-time Most Valuable Player James Yap na bumalik sa paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) bago matapos ang season kahit nanalo na bilang konsehal ng San Juan City.

Ito ang isinapubliko ni PBA Commissioner Willie Marcial matapos kapanayamin ng mga mamamahayag nitong Sabado.

"Maglalaro si James Yap and sabi niya sa akin, by next conference. Ang sinabi niya sa akin, may usapan na sila ng Rain or Shine," sabi ni Marcial.

Kamakailan, inihayag ni Yap na binigyan pa rin siya ng pagkakataong makabalik ng Rain or Shine matapos maging inactive sa nakalipas na siyam na buwan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nitong nakaraang season, nagpaalam sa koponan si Yap na lumiban muna upang bigyang pagkakataon ang pangangampanya nito sa pagtakbo bilang konsehal ng lungsod sa nakaraang eleksyon kung saan siya nanalo.

Matatandaang ginugol ni Yap ang kanyang panahon sa pagpapakondisyon sa tulong ng Italian football trainer nito bago sumabak muli sa liga.