Inilagay na sa state of calamity ang Abra nitong Huwebes dahil na rin ng malawakang pinsala dulot ng pagtama ng 7.0-magnitude na lindol sa Northern Luzon nitong Miyerkules.

Ang hakbang ng pamahalaang panlalawigan ay nakapaloob sa isang resolusyon na may layuning mapagana o magamit ang pondo nito upang makabangon sa kalamidad ang probinsya.

Sa paunang ulat ngProvincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ang pagtama ng nabanggit na lindol ay nakaapekto sa 80 porsyento ng populasyon at pangunahing imprastraktura sa lalawigan.

“Such a disaster has destroyed power lines placing Abra into province brown out and the destruction of houses, buildings, and bridges have paralyzed the operation of business establishments likewise, displacing a lot of Abranios as they stay out of their homes without food,” bahagi ng resolusyong pirmado ng mga provincial board member ng Abra.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nanawagan na ng tulong ng gobyerno ang pamahalaang panlalawigan upang maisagawa na ang disaster response,relief, rehabilitation, at reconstruction support.

Sa datos ngNational Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) nitong Huwebes, lima ang kumpirmadong nasawi at mahigit sa 100 ang nasugatan sa Cordillera region matapos maramdaman ang malakas na pagyanig sa Abra nitong Hulyo 27 ng umaga.