Binanggit ni Unkabogable Star at 'It's Showtime' host Vice Ganda ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa unang araw ng pagbabalik at pagbubukas ng segment nilang "Miss Q&A" nitong Lunes, Hulyo 25.

Matatandaang naisyu ng mga netizen ang hindi pagkakasama kay Juliana sa naging teaser nito. Si Juliana ang kauna-unahang kinoronahang Grand Winner ng naturang timpalak.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/na-elbow-juliana-segovia-ligwak-sa-teaser-ng-miss-qa-comeback-sa-its-showtime/">https://balita.net.ph/2022/07/24/na-elbow-juliana-segovia-ligwak-sa-teaser-ng-miss-qa-comeback-sa-its-showtime/

Sa isinagawang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga naging kandidata ng naunang mga season ng Miss Q&A at nakausap niya ang mga ito. Nakumusta ni Vice ang kalagayan ng mga ito at kung paano nabago ang buhay matapos ang exposure.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Marami rin ang nagtataka kung bakit wala sa production number ng dating mga Miss Q&A contestants si Juliana lalo't siya pa naman ang Grand Winner ng naunang season.

Samantala, wala pang pahayag si Juliana hinggil sa isyu, bagama't nag-pinned post siya sa kaniyang Instagram ng mga litratong pak na pak at talagang pakabog.

"The best health care plan… is a self care plan."

"In a world full of trends… I want to remain a CLASSIC."

"Pede mong titigan pero hindi mo pedeng hawakan,baka hindi mo na mabitawan," saad niya sa captions.