Mahigit isang linggo matapos sumailalim sa operasyon si Baby Seven Kai, ikalawang supling nina Kryz Uy at Slater Young, bininyagan na rin agad ito nitong weekend.

Kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan na nagsilbing godparents, sabay-sabay na sinaksihan ang pagiging isang ganap na Christian ni Baby Sevi nitong weekend.

Sa ilang serye ng larawan na ibinahagi ng YouTube personality na si Kryz, ilang tagpo ng binyag ang kaniyang ipinakita sa kaniyang followers.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pinasalamatan din ni Kryz ang pari na nag-officiate ng binyag si Baby Sevi na si Father Munching sa araw din ng kaarawan nito, na siya ring pari na nagkasal sa kanila ni Slater noong Pebrero 2019.

Una ring na-meet ni Father Munching ang panganay ng celebrity couple na si Scottie.

Sa isang vlog ni Kryz noong Hulyo 17, ibinalita ng YouTube personality na sumailalim sa isang operasyon si Baby Sevi dahil sa inguinal hernia.

Ilang raw matapos nito, masaya namang inihatid ni Kryz sa Skyfam sa hiwalay na vlog na naging successful ang operasyon ng kanilang “little warrior.”

Basahin: Kryz Uy, nagpasalamat sa mga nagdasal para sa successful surgery ni Baby Sevi – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid