Inamin ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na hindi tama, at mapanganibang paggamit ng mga palaka upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng dengue sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni DOH Officer-In-Charge (OIC), Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam sa telebisyon matapos na mapaulat na magpapakawala ang mga opisyal ng Sapang Kangkong, Brgy. Old Balara, Quezon City, ng nasa 100 palaka sa mga kanal at damuhan sa kanilang lugar, na posibleng breeding site ng mga lamok na may dalang dengue.

Iginiit ni Vergeire, hindi ito tama at maaaring makasira sa kalikasan at maging sa tao ang gawaing ito.

Ayon kay Vergeire, noong Linggo ay nagpalabas na rin ng joint statement ang health, environment at interior departments at inabisuhan ang publiko na kailangan ang scientific solutions upang masugpo ang dengue.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

“This kind of practice po ay maaaring makasira ng ating ecosystem kasi invasive specie po itong tinatawag na mga palaka na pinapakalat na ito,” dagdag pa ni Vergeire.

“At ang pinaka-importante maaaring makapag-pose ng health risk po ito dahil maaaring malason din ang ating mga kababayan, even their pets, yung mga aso at pusa,” dagdag niya.

Kaagad rin aniya nilang tinawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na agad namang umaksiyon upang ipatigil ang pagpapakawala ng mga palaka.

Noong Agosto 2019, inulan ng batikos ang barangay chairman sa naturang lugar matapos magpakawala ng halos 1,000 palaka laban sa dengue.

Kaugnay nito, iniulat rin ni Vergeire na nasa 73,000 na ang naitatalang kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong taon.

Kabilang sa tatlong rehiyon na may mataas na kaso ng dengue ang Region 3, Region 2, at National Capital Region po.

Tiniyak din nito na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng 4S strategy kontra dengue kabilang dito ang Search and destroy mosquito breeding sites; Secure self-protection; Seek early consultationat Support community fogging or spraying in high-case areas.