Kakaibang "bardagulan" ang ginawa ng "It's Showtime" hosts na sina Anne Curtis at Vice Ganda dahil kabaligtaran sa madalas na epekto nito, ay kinaaliwan pa ito ng madlang pipol sa Twitter world.

Nagsimula ito sa tweet ni Vice Ganda nitong Hulyo 20 na "Ang aga ko na naman gumising. Dasssurv ko ng pandesal at corned beef! GANDAng mawnin unkabogables!"

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

https://twitter.com/vicegandako/status/1549549543888666624

Nagkomento naman dito si Anne.

"Very proud of you sa maagang paggising mo!!!!"

Maging si Jhong Hilario na isa sa mga host ay nagkomento rin.

"Eh di ikaw ang magluto tutal gising ka na! Nabili mo na ba yung inuutos ko sa'yong Gasul?!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1549554312787148801

Tugon naman niya kay Anne, "Mas proud ako sa'yo kung papasok ka today! Di yung puro ka padede jan sa bahay n'yo!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1549554728715304960

"Ito. Ready na ako. Eh ikaw? Patingin nga ng selfie mo at this very moment. Your timer starts NOW!" sey ni Anne sabay pabida ng kaniyang selfie.

At syempre hindi naman nagpakabog ang Meme!

"For the woke up like fucking dizzz!" sey ni Vice kalakip ang kaniyang litrato kung saan ang haba-haba ng kaniyang blonde hair, at topless pa.

https://twitter.com/vicegandako/status/1549558151326089216

Ganti ni Anne, "OH PAK! BIGYAN NG CORNED BEEF AT PANDESAL YARN! (Kahit alam kong late post to)."

"Di mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas!" banat ni Vice.

https://twitter.com/vicegandako/status/1549561320697393153

Kaya naman pinakitaan siya ni Anne ng breastfeeding session nila ni Dahlia Amelie.

"Ayan. Direct latch sezzzz! As a proud bf mum! Di kita hahamon nito. Baka kung ano ma-post mo! Kinakabahan me! Hahaha! Love yew!!!!"

Ngunit hindi talaga nagpakabog si Vice. Inilapag niya ang litrato ng mag-inang kabayo.

"Oh loko!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1549563194213285889

"Hahaha hayluvet!!!! Ikaw na talaga!!!!" reaksiyon naman ni Anne.

"Maliit pa si Ryan diyan! Ngayon alam mo na kung bakit bulul si Ryan! Medyo makunat ung nadede niya!" birong tugon ni Vice na ang tinutukoy ay si Ryan Bang.

https://twitter.com/vicegandako/status/1549564536705150976

Marami sa mga netizen ang natuwa sa bardagulang naganap. Sana raw ganito lang palagi ang nababasang bardagulan sa social media.