Nagluluksa ngayon ang Kapamilya singer at isa sa mga hurado ng "Idol Philippines" season 2 na si Moira Dela Torre dahil sa pagpanaw ng kaniyang driver na si Kuya Baj.

Binigyang-pugay ni Moira ang kaniyang personal driver sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Hulyo 18. Hindi lamang driver ang naging papel sa kaniya ni Kuya Baj kundi kaibigan na rin.

"Kuya Baj, salamat po sa lahat. Hindi ka lang naging mabuti na driver sa'kin, kundi mabuting kaibigan na rin. lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin," ani Moira.

"Hindi ko pa rin po alam paano magpaalam sa isang katulad mo Kuya Baj. Kaya magpapasalamat na lang ako sa'yo… sa pagtahan sa'kin sa mga araw na mag-isa ako at sa pagpatawa sa amin sa bawat pagkakataong mahanap mo."

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"Salamat sa pag-intindi kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya noong mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako. Mamimiss ko tawa mo, Kuya Baj. Pati yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos. Pahinga ka na, kuya. Mahal na mahal ka namin. Miss ko na tawa mo. Salamat sa lahat. Love you, Kuya Baj."

Hindi na binanggit o idinetalye pa ni Moira ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang driver.