Kinumpirma ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules na nirerepaso na ngayon ng ahensya ang K to 12 program.

Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing, ipinag-utos ng ahensya na repasuhin ang programang Kindergarten hanggang Grade 10, bago pa man maupo sa puwesto ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

“I believe they're now finalizing their assessment and will be proposing revisions any time soon,” aniya, sa panayam sa telebisyon.

Ipinag-utos na rin naman aniya ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang pag-review sa Grades 11 at 12.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Hopefully we’ll have the immediate results as soon as possible,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa isang Pulse Asia survey na kinomisyon kamakailan ni Sen. Sherwin Gatchalian, lumilitaw na 44% ng mga Pinoy ang ‘dissatisfied’ o hindi nasisiyahan sa K-12 system. Mas mataas ito sa 28% dissatisfaction rate sa 2019 survey.

Snabi rin ni Densing na sa kanyang personal na opinyon, dapat ding gamitin ang wikang English sa pagtuturo sa mga batang nasa Kindergarten, sa halip na ang mother tongue lamang.

Sa ilalim ng K-12 law, ang mother tongue ang dapat na gamiting medium of instruction mula Kindergarten hanggang Grade 3.

“I want to say we use regular English language as medium of instruction, with the mother tongue as an exception,” ani Densing. “Use mother tongue only as an exception in case that area is not really introduced to English.”

Dagdag pa ni Densing, dapat ding pahabain pa ang training ng mga guro sa halip na isang linggong seminar lamang.