Hindi raw magkokomento o magpapa-interview si Tim Connor kaugnay ng isyu ngayon sa pagitan nina Maggie Wilson at dating mister na si Victor Consunji.

Matatandaang kumalat ang isyu ng pagsasampa umano ng kasong adultery ni Victor kina Maggie at Tim noong Biyernes, Hulyo 15.

Ibinahagi naman ni Maggie sa kaniyang Instagram post noong Biyernes din ang ilegal umanong pagpasok ng mga kinatawan ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC), DMCI, at tauhan ng barangay Bambang sa Taguig City sa kaniyang tinutuluyang bahay.

Noong nangyari ang insidente, wala ang dating beauty queen sa bahay niya dahil sa kaniyang business trip. Ang nandoon lamang ay ang kaniyang kapatid, 5-year old cousin, at household staff.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“They entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family illegally,” sey niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidente/">https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidente/

Ayon naman kay Tim, sa kaniyang Instagram story, hindi raw siya magpapa-interview sa kahit na sino tungkol sa isyu.

"For everyone looking for a reaction or an interview from me… You won't get one," aniya.

"I don't stoop so low as to answer complete and utter rubbish accusations out of anger that hold no water. (Unless I am required to do so by law enforcement of the country)."

Sa kabilang banda, hangad ni Tim na magkaayos na sina Maggie at Victor alang-alang sa kanilang anak na lalaki.

"This is not a circus; this is people's family lives, please respect that," saad ni Tim.

Sa isa pang IG story ay may makahulugang mensahe si Tim.

"Peace is not absence of conflict; it is the ability to handle conflict by peaceful means," aniya.

Screengrab mula sa IG/Tim Connor